HomeBTC / USD • Cryptocurrency
add
Bitcoin (BTC / USD)
Nakaraang pagsara
94,518.44
Sa balita
Balita tungkol sa Prediksyon
Balita tungkol sa XRP Ledger
Balita tungkol sa Donald Trump
Sa balita
Ayon sa bilang
Tungkol sa Bitcoin
Ang Bitcoin ay isang salaping kripto na isang porma ng elektronikong pera. Ito ay isang desentralisadong pera na kung saan ay walang bangko sentral o nag-iisang tagapangasiwa na maaaring magpadala mula sa user-to-user sa peer-to-peer bitcoin network na walang kailangang tagapamagitan.
Ang mga transaksyon ay nasusuri sa tulong ng network ng mga node sa pamamagitan ng cryptography at nakatala sa isang pampublikong distributed ledger na tinatawag na blockchain. Ang bitcoin ay inimbento ng isang hindi kilalang tao o grupo ng mga tao gamit ang pangalan na Satoshi Nakamoto at inilabas bilang open-source na software noong 2009. Ang bitcoins ay nilikha bilang isang gantimpala para sa prosesong na kilala sa tawag na pagmimina. Ito ay pwedeng mapalitan ng iba pang mga pera, mga produkto, at mga serbisyo. Sa pananaliksik na ginawa ng Unibersidad ng Cambridge na-estima sa taong 2017, na may 2.9 hanggang 5.8 milyong natatanging user na gumagamit ng salaping kripto wallet, karamihan sa mga ito gamit ang bitcoin. WikipediaTungkol sa Dolyar ng Estados Unidos
Ang dolyar ng Estados Unidos, o dolyar Amerikano, ay ang opisyal na pananalapi ng Estados Unidos, na pinatupad ng Batas ng Sinsilyo ng 1762. Ito rin ang pananalaping reserba na ginagamit nang malawak sa labas ng Estados Unidos. Sa kasalukuyan, nasa pagpipigil ng sistema ng Pagbabangko ng Reserbang Pederal ang pagpapalabas ng pananalapi. Ang simbolo ng dolyar ang karaniwang simbolo para sa dolyar ng Estados Unidos. USD ang kodigo sa ISO 4217 para sa Dolyar ng Estados Unidos; tinutukoy din ng Pandaigdigang Pondong Pananalapi ito bilang US$.
Maraming uri ng salapi ay pinatupad ng Kongreso ng Estados Unidos paglipas ng mga taon, ang Salaping Reserbang Pederal na isinabatas sa taong 1913. Ang lahat ng mga umiiral na salapi ay pwede pang gamitin, pero ang mga dati pang papel de bangko ay tinigil ang pagpapagawa sa 1971. Sa resulta na ito, maraming mga pera na umiiral sa merkado ay mga salaping reserbang pederal, denominadong Dolyar Amerikan. Wikipedia